REVIVE

Shiela Cancino
2 min readMar 17, 2021

--

REVIVE

“As Moses lifted up the serpent in the desert, so must the Son of Man lited up…”Jn. 3:14

H

ello mga kablogs! Hindi ko matandaan kung kailan ako huling nagblog nang maayos. Nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na rin makilala ang sarili ko. Kahit anong pagdaanan kong problema noon, palagi pa rin akong focused pero ngayon parang naliligaw ako.

Then, I realized na nag-iba ang pag-attack ko sa mga problems. Dati, God first tapos Siya na ang bahalang tumulong sa akin. Pero ngayon dahil lulang-lula ako sa mga nangyayari at feeling ko ang daming dapat gawin, nababawasan ang time ko for God.

Salamat na lang kagabi at bigla akong napakain ng MEAT. Hindi sinasadya iyon dahil syrempre hindi kami nagkaintindihan ng pinagbilhan ko. Sabi ko ay Shrimp Wonton, tapos pagkalasa ko ay may halo palang beef/pork iyong nabili ko. Sayang naman kung hindi kakainin kaya sabi ko magbabayad na lang ako ng Rosary prayer.

Kaya, nakatulog ako nang maaga (dahil nakakaantok magrosary) at nagisig din ako nang maaga. Sa sobrang daming papel dapat kong basahin inuna ko ang pamphlet namin about HAPINNESS. Maglista raw ng mga bagay-bagay na gustong-gusto kong ginagawa, kailan ko huling ginawa at icheck kung anong mga puwedeng gawin AGAD ulit.

Ilan sa mga nilista ko ay:

pagpapamasahe — ginawa ko nga ulit kanina! Ang gaan ng pakiramdam.

panonood ng movie — hindi pa… walang time

pagbabasa ng book — kapag nakabili na ulit ng babasahin

pagbablog — kaya ako nagbablog ngayon

Gabi-gabi kapag matutulog ako, pilit kong binabalikan ang mga nakaraang araw/linggong nagdaan at pilit kong hinahanap kung saan ba ako nagkamali at bakit parang ang bilis nagdaan ng mga araw pero walang matinong nangyari sa akin. Hanggang sa babangon na naman ako at imbes na bawat araw ay nababawasan ang mga dapat kong gawin, padagdag lang nang padagdag… :_(

Mabuti na lang at natapos na rin ang isa sa mga THINGS TO DO ko, ang Phase 1 — Mamuds. Right after magretire ng Nanay ko, naghanap na kaming magkakapatid ng pagkakaabalahan ni Nanay kasi hindi siya sanay ng walang ginagawa. Kesyo maeenjoy daw ng mga retired ang paggamit ng laptop, regular exercise, pagtingin ng mga pictures atbp.

Ako mismo ay nasiyahan nang makita ko ang family pictures namin. Kaya pala recommended sa mga matatandang magkaroon ng albums kasi iba ang nabibigay na kasiyahan kapag nababalikan ang masasayang araw ng nakaraan. Nandyan iyong sama-sama kaming nagpunta sa Puerto Galera, Baguio, Tagaytay, Boracay, Malaysia at ang mga gimiks. Nakakahupa ng pagod.

At, lalo akong na-inspire na magsucceed sa ginagawa ko. Iba ang dating kapag may inspirasyon sa mga ginagawa natin. Kagaya nga nong huling short note ko — kahit anong hirap pa ang pagdaanan natin sa PAG-AARAL, PAGTATRABAHO, HIRAP NG BUHAY, ATBP. basta iniaalay natin ang resulta sa kanila, mas gumagaan.

Sana talaga ay narevive ko na ulit ang dating Shel.

Panoorin niyo rin iyong homily ni Bishop Tagle. Hindi ibig sabihin na nagsasuffer tayo ay negative na. Minsan ay kailangan nating iabsorb ang mga nangyayari para matuto ang mga tao sa paligid natin.

To God be the Glory.

--

--

Shiela Cancino
Shiela Cancino

Written by Shiela Cancino

I help Asian Women advance in their careers without sacrificing “me time” all the time through confidence-building workshops & confidence coaching.

No responses yet