Pangarap, Pag-asa, at TAGUMPAY!

Shiela Cancino
5 min readMay 21, 2020

--

ANO ang ibig sabihin ng TAGUMPAY.

Ako si Ate Shiela Cancino, Founder ng 4S Share a Secret Spread Success, Inc.

Kung tatanungin kita, tagumpay ka ba sa buhay mo?

Ang 4S ay nakaabot na ng 10 years ngayon at counting pa!

Bilang founder, napakasaya ng pakiramdam ko. Pumpalapakpak ang tenga ko. Maituturing na tagumpay, TAMA?

Kung yan lang event na yan ang titignan ko tagumpay syempre.

Ngayon, tignan natin ang ibang events sa buhay ko–

  1. Una, marami pa rin sa atin ang naka-quarantine. In fact, na-house arrest ako for 14 days nong pagdating ko sa Hong Kong.

2. Pangalawa, balik HK ako kaya eto nagsisimula ulit.

3. Pangatlo at pinakamalupit sa lahat ay hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung kalian ako kikita ng pera.

Sa events na yan, tagumpay ba ako o hindi?

Oh well, kung tinanong mo ako early this year, instantly ang isasagot ko ay FAILED AKO.

Iyon ang mga panahon na lugmok na lugmok ako.

Kahit gaano ipakita ng mga tao sa paligid ko kung gaano ako kahalaga at gaano nila ako kamahal, invisible silang lahat. Hindi ko sila naramdaman.

Ang pinakamasaklap pa ay nakalimutan kong anak ako ng Diyos. Napalayo ako sa Kanya.

Gayunpaman, hindi Niya ako pinabayaan kaya nalampasan ko ang period na yan.

Kung tatanungin mo ako ngayon as in NOW keeping in mind na -

1) Ngayon ay 10th year anniversary ng 4S,

2) Nag-start na akong magpromote ng life coaching business ko,

3) At, nagsusulat ako ng book na magiging best-selling (oh yeah!)

ano kayang isasagot ko TAGUMPAY o HINDI?

Para malaman natin ang sagot, balikan natin ang mga nakaraang events sa buhay ko.

1. Nong Elementary at HS. 3rd honorable mention o pang-lima 500 students sa Nagkaisang Nayon Elementary School

At 1st honorable mention o pangatlo sa 1500 students sa Novaliches High School. Sobrang nakakaproud. Ang saya ng feeling! Tagumpay na tagumpay!

2. Fast forward to 2003 nang maging Certified Public Accountant ako. Shiela M. Cancino, CPA. Dagdag mo pa ang ibang international titles. Tagumpay na tagumpay!

3. At, since pag-alis ko sa Pinas nong Sep 18, 2007, 12 years na akong OFW. Isa ako sa mga bagong bayani. Tagumpay na tagumpay!

Agree ba kayo na Tagumpay ako?

Oh well, kung yang mga events na yan ang titignan ko sa buhay ko, no doubt na ang sagot ay TAGUMPAY!

Yan lang kasi ang pinakita ko pero baka mag-iba ang sagot niyo kapag pinalitan ko ang events ng mga ito:

1. Nong Elem at HS, napakaliit ng tinging ko sa sarili ko. Palagi akong naikukumpara sa mga kapatid at mga kaklase ko. Anak ka ng teachers at Section 1 dapat maganda, matalino at magaling. Grabe!

2. Nong nag-re-review ako for board exam, alam niyo bang bumagsak ako sa pre-board? Tska ung pinagdaaanan kong hirap sa pag-aaral, grabe talaga. Gigising ka ng alas-4 para lang magbasa tapos pa ung mga kasama ko sa PYM, panay ang gimik ako nagbabasa ng Accounting books. Ang sakit!

3. Paulit-ulit ko nang sinasabi ‘to na cry baby ako. Katabi ko kasi si Nanay matulog sa Pinas kahit matanda na ako kaya nahirapan talaga akong mag-isa sa Bermuda. Instantly kailangan ko pang matutunang maglinis ng bahay, maglaba, at mamalanta. Lumeng!

Let’s pause for a moment here.

Mag-reflect kayo sa sarili niyong mga buhay.

Alalahanin niyo ang mga panahon na lugmok na lugmok kayo –

· Perhaps hindi makapasok kasi walang baon.

· Hindi makahanap ng trabaho.

· Ang daming bayarin. Hindi pa nasasahod, nautang na.

Wag nating tatapusin jan. Alalahanin niyo rin kung ano ang lumabas na success sa gitna ng mga kalungkutan na yan?

Ang halimbawa ng sa akin ay sa gitna ng kahirapan doon ko pinangarap na sana marami kaming pera para hindi nangungutang Nanay ko.

— — — -

Ngayon, i-connect natin.

Sa pagninilay ko, depende kung saang particular event ka ng buhay mo titingin bago masabi na tagumpay ka o hindi.

Hindi ibig sabihn na lugmok ka, failed ka na agad. Sa buhay ko, ang mga failures ay paghahanda lang pala sa akin para sa mga big successes.

Also, hindi rin sa specific events ng buhay mo huhusgahan kung hindi sa kabuuuan. Meaning sa buong pag-stay mo sa lupa. Habang may buhay, may chance magtagumpay.

At syempre, ang makakapagsabi lang kung nagtagumpay ba tayo o hindi ay ang creator natin. Hindi ikaw, hindi ako, hindi yang katabi, kundi si Lord lang.

Kaya nong nalaman ko yan, naging iba ang pananaw ko.

Dumaraan man ako sa matinding pagsubok, iniisip ko na kasama ito sa plan ni Lord sa buong timeline ng pag-stay ko sa lupa.

Ang mga lugmok events ay paghahanda Nya lang sa akin sa isang mas malaking misyon.

— —

In closing, ang pagiging matagumpay ay hindi lang nakikita sa specific events ng buhay natin. Ung pain, struggles, at hardships ay part ng tagumpay.

Kaya wag na wag mawawalan ng pag-asa kung humaharap ka man sa pagsubok.

Tandaan natin na kasama sa plan ni Lord yan!

At, hindi nagtatapos sa lupa ang paghuhusga kung nagtagumpay ba tau o hindi. Dahil si Lord lang ang may alam.

Kaya naman sa bawat minuto ng ating buhay, iaalay natin kay Lord ang ating mga pagsubok, pagdurusa, mga sakit, pati na rin ang ating mga pangarap, pag-asa, at tagumpay.

Happy Anniversary 4S!

--

--

Shiela Cancino
Shiela Cancino

Written by Shiela Cancino

I help Asian Women advance in their careers without sacrificing “me time” all the time through confidence-building workshops & confidence coaching.

No responses yet