Shiela Cancino
6 min readJul 13, 2019

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang magiging OFW ako.

Ang sabi ko noon sa sarili ko nong nagsisimula pa lang akong magtrabaho sa Pilipinas ay hinding-hindi ko lilisanin ang bayan natin.

Hindi ko hahayaang pakinabangan ang skills at talents ko ng ibang lahi.

Balak ko noon ay maging Accounting Professor para makapag-produce ng maraming CPAs sa Pinas habang naglilingkod sa Barangay namin, bilang Barangay Tanod… Barangay Official.

Nagsimula ang lahat sa isang imbitasyon ng co-teacher ni Nanay sa Bermuda. Thank you po Ate Emilly.

Nag-alangan pa nga ako nong umpisa pero heto ako ngayon, 11 years ng OFW -

2 years sa Bermuda
1 year sa US
8 years sa Hong Kong
5months sa India
at almost 1 1/2 months sa Singapore.

Mga kababayan, paano nagsimula ang kuwento ng buhay OFW mo?

— — —

Palaging pinapaala-ala ni Nanay sa akin kung saan ako nagsimula -

Iyakin daw ako nong 1 yr old ako. Hindi ko raw sila pinapatulog ni Tatay sa kakaiyak ko at napakapayat ko raw dahil hindi ako dumedede at kumakain.

Nong lumalaki raw ako up to 7 y/o, palagi raw akong nagkakasugat sa ulo tuwing birthday ko. Siguro raw ay may nakabati sa akin nong pinagbubuntis nya ako tapos iyon ang resulta.

Fast forward to Elementary, High School at College na lagi akong kinukumpara sa mga kapatid kong magaganda, magagaling at matatalino.

Kapag Pasko ay palagi silang kinukuhang Mama Mary,
Ako? Isa sa mga tupa o mga puno na nakatayo lang.

Lagi silang kasali sa extra curricular events.
Ako? Ang tanging naaalalaala ko lang ay pagiging varsity player ng…. chess.

Lagi silang fist honors,.
Ako? Laging Best in Attendance.

Kaya tanggap ko na noon pa man na sakto lang ako.
Kung baga sa pelikula, never ever na magiging bida.
Suwerte na kung magiging extra.

Pero, ibang kumilos si Lord.
Sa pelikula Niya, ang kukunin Nyang kasama sa cast ay hindi iyong malalakas kung hindi iyong mahihina. I’m so blessed na napasama ako sa cast Niya at dahil na rin iyon sa mga taong nakasuporta sa akin.

Nalagpasan ko ang 1 y/o thru Nanay Francing na kapitbahay namin. Tinatapalan niya ng kanin ang tyan ko, para na rin daw akong nakakain non.

Tapos, iyong kapitbahay naming si Tatay Tano (SLN), out of nowhere sinabihan ba naman ang Nanay ko, “Alam mo Ate Precy (pangalan ng Nanay ko), si Shiela ang magbabago ng buhay niyo.”
Diba?! Syempre di nagegets ng Nanay ko un at lalo na ako nong kinikuwento ni Nanay un.

Nong college naman ay blessing in disguise ang pagbagsak ko sa UP kasi nauwi ako sa sa Letran sa kursong Accountancy sa tulong na rin ng panganay kong kapatid, si Ate Nym.

Mga kababayan, sinu-sinong tumulong sa inyo?

— — —

Naging CPA ako kaya ako nagkaroon ng opportunity na makapunta sa Bermuda.

Doon nagsimula ang pelikula ng buhay ko bilang OFW.

Nag-alinlangan din ako. Kaya ko ba? Paano kung mahirap?
Paano kung magaya ako sa ibang OFWs na minaltrato sa ibang bansa?
At, paano na ang pangarap kong maging professor habang nagsisilbi sa barangay?
Nasaan ang Shielang hindi papayag na magamit ang skills at talents ng ibang lahi?

Sa pelikulang ‘to, ang una kong role ay magbayad ng utang ni Nanay . Utang sa pag-papaaral sa aming limang magkakapatid. Kaya naisip kong mag-abroad for 2 years tapos saka ko na babalikan ang paninindigan kong maglingkod sa bayan.

Pero unti-unti ay binago ni Lord ang kuwento ng buhay ko.

Hindi ko akalain na ang sakiting Shiela, ang mahinang Shiela at ang hindi magaling na Shiela ay mapipili ni Lord para gumanap sa isang malaking role para tumupad ng isang misyon.

Mga kababayan, kaya po ako nananatili sa ibang bansa ay dahil sa misyong ito.

Ang misyon pong ito ang aking inspirasyon… ang aking pasyon.

Mayroon po akong itinatag na Scholarship Foundation sa Philippines nong Year 2008.
Ang malaking part ng sahod ko ay napupunta sa foundation.

Unti-unti ay na-realize ko na hindi ko kailangang mag-stay sa Philippines para makapag-produce ng CPAs, para makapaglingkod sa barangay at para makatulong sa mga kababayan natin.

Mga kababayan ko, let’s take this moment para gunitain ang roles natin…. Ang misyong nakaatang sa atin…

Bakit nga ba tayo nasa ibang bansa?

Bakit pinili nating iwan ang family natin?

Bakit kinakaya nating tiisin ang bawat sandali na hindi natin sila kasama?

Ang misyon ay hindi kailangang engrande.
Hindi natin kailangang sagipin ang mundo.
Hindi rin nating kailangang lumabas sa mga bakuran natin.

Ang misyon ay maaaring simple lang gaya ng pagpapaaral ng mga anak o ng mga pamangkin. Ang pagtulong sa pamilya… Pagtubos ng lupa…

Kabayan, anong misyon mo?

— -

Marami pong nagtatanong sa akin kung hindi ba raw ako nahihirapan sa ibang bansa.
Kung hindi ba raw ako nalulungkot.
Paano ko raw po nakaya.

Parang sa pelikula, marami rin akong pinagdaanan.

Kahit po mahirap ang family namin, hindi kami hinayaan ni Nanay na gumawa sa bahay. Sya lahat ang gumagawa kaya ang laking adjustment sa akin nong nag-abroad ako.

Sa unang paglalaba ko ay pinagsama ko ang de-color at puti. Ayun po kumupas. hehe.

Ang kaya ko lang lutuin ay nilagang itlog, piniritong itlog at itlog na nilagay sa sinaing.

Hindi rin po ako marunong maglinis ng bahay kaya hiyang-hiya ako sa mga nakasama ko noon sa bahay sa Bermuda.

Nahirapan din po akong makipag-communicate in English sa work. Tumitiklop po ang bibig ko kaya minsan hindi ko nasasabi ang gusto ko. Interesting po ano na kahit mga nag-oopisina ay may ganito ring challenges.

Ang pinakamasaklap po ay Nanay’s girl ako. 20+ na ako katabi ko pa ring matulog Nanay ko kaya po ayun palagi po akong umiiyak sa gabi kakaisip sa kanila hanggang sa makakatulog na lang akong umiiyak.

Kayo po, anu-ano po iyong mga pinagdaanan niyo?

Anu-ano pong mga pinagdaraanan niyo hanggang ngayon?

— —

Kung iisipin ko lang po ang sarili ko, it’s so easy for me po na talikuran ang lahat ng ito at umuwi sa Pinas.

Bayad na lahat ng utang namin at lahat ng mga kapatid ko ay maayos ng simpleng pamumuhay. Madali po akong makakahanap ng trabaho sa atin para makakain ako ng 3 beses sa isang araw.

At, puwedeng-puwede ko pong tuparin ang pangarap ko nong bata ako: maging Accounting Professor habang naglilingkod sa barangay.

Kung iisipin ko ang sarili ko, wala pong susuporta sa foundation.
Kung iisipin ko ang sarili ko, kawawa ang mga mahihirap na kabatang gustong makapagtapos sa pag-aaral.
Kung iisipin ko lang ang sarili ko…

Kinaya, kinakaya at kakayanin ko dahil sa misyon, dahil sa foundation…
Isang biyayang inspirasyon, isang biyayang pasyon.

Kabayan, sinong inspirasyon mo?

— -

May i-share po akong tip galing sa Tita kong OFW for more than 20 years.

Sabi nya, “Shel, kapag nalulungkot ka at napapaisip kang muwi sa Pilipinas, isipin mo lang na DOLYAR Ang sahod mo.”

Effective po ito. USD1 = Php50. HKD1 = PHP7. Hhhhm.

Lungkot konti tapos magko-convert ako, nawawala naman ang lungkot ko.

Ang pangalawa naman po ay pag-aalala na si Lord ang Scriptwriter at Director ng buhay natin.

Kapag si Lord ang nagsulat, lahat ay planado. Sya rin ang direktor ng pelikula. Alam Nya lahat ng scenes. Hindi kapani-paniwala pero kahit na ung mga challenges ng buhay natin ay kasama sa script. Ang mga pagsubok na ‘yon ang nagpapalakas sa bida.

— —

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang magiging OFW ako.

Pero heto 11 years ng proud OFW.

Ang pangarap ko lang noon ay maglingkod sa kapuwa bilang isang Accounting Professor at Barangay Official.

Pero iba ang plano ni Lord sa buhay ko.

Naralized ko na hindi ko kailangang magstay sa Philippines para makapagproduce ng CPAs ara makapagsilbi sa barangay at para makapaglingkod sa bayan.

Si Lord ang Scriptwriter at Director ng buhay. Planado Niya ang lahat kahit na mga pagsubok na pinagdaraanan natin.

Kaya kapag dumarating ang pagkakataong nahihirapan ako o gusto nang sumuko at umuwi sa Pinas, iisipin ko lang ang misyong iniatang Nya sa akin.

Kabayan, sinong inspirasyon mo? Anong misyon mo? Anong pasyon mo?

Inspirasyon. Misyon. Pasyon.

Mabuhay ang mga OFWs. Mabuhay tayong lahat!

Shiela Cancino
Shiela Cancino

Written by Shiela Cancino

I help Asian Women advance in their careers without sacrificing “me time” all the time through confidence-building workshops & confidence coaching.

No responses yet