Magtanim ay ‘di biro
“You yourselves give them something to eat.” Lk. 9:13
Hello mga kablogs! Naku, late na as in madaling araw. Katatapos ko lang kasing gumawa ng video kaya sabi ko magbablog na rin ako.
Ang sarap ng buhay kapag bahay-trabaho-bahay lang, iyong tipo bang wala kang ibang iisipin kapag nasa bahay ka na kaya naman nakabalik ako sa pagbabasa ng inspirational books. Matatapos ko na iyong pangalawang book ni Bo Sanchez entitled “How to turn thoughts into things.”
2 bagay ang gusto kong ishare this week. Una ay related sa pagbasa ngayon about sharing. Obserbahan mo ang paligid mo. Bakit iyong ibang mayayaman na hindi nagshashare, hindi masaya? Bakit iyong hindi mayayaman na hindi nagshashare, hindi nagiging mayaman? Bakit ang nagshashare na mayaman, lalong nagiging mayaman? Bakit iyong hindi mayaman na nagshashare, unti-unting gumiginhawa? Isa iyan sa topic ni Bo sa book nya. Ang law raw ng pagbibigay ay space. Ibinigay niyang halimbawa ang isang lalagyan na puno ng bato, ordinaryong bato. Para rin daw buhay natin na puno ng mga biyaya like time, talent and treasure. Kapag natutunan nating magbahagi ng bato, magkakaroon ng space at magkakasya ang mas mamahaling bato. Kaya ang resulta nagiging makatotohanan ang kasabihang kapag nagbigay, ang biyaya ay babalik ng siksik, liglig, at umaapaw. Enough for that. Siguro sawa na kayo sa palipad hangin ko sa pagrerecruit na samahan kami sa gawaing 4S. Pero parang ganoon na rin. hehehe. Kung sinuman ang gustong magpledge every month ng Php50.00 o kaya ay bumili ng lapis o kaya ay samahan kami sa pagdarasal, you are very welcome. Marami pang spaces.
Ang ikalawa ay tungkol sa 2 seasons ng buhay. Sabi ulit niya may 2 seasons daw ang buhay natin — ang planting at harvesting. Idinagdag pa niya, hindi lang basta plant and harvest kung hindi plant, plant, plant and harvest. Ipinapaalala niyang matuto tayong maghintay sa tamang panahon at magpatuloy lang sa ginagawa natin hanggang sa matumbok ang gustong mangyari.
Naalaala ko tuloy ang pag-aapply ko ng trabaho sa Bermuda noon. Maniniwala ba kayong halos 60 companies ang pinasahan ko ng resume? Ilang linggo ko ring inaraw-araw ang pag-apply online. Sa 60 companies na iyon, sa awa ng Diyos may 2 nagreply at natanggap nga ako sa JP. Hindi ko alam kung pang-ilan kong inapplyan ang JP sa 60 na iyon basta ang alam ko lang hindi ko tinantanan hanggat walang nagsasabi sa akin na hired na ako. Kung halimbawang pang21 pala ang JP at sumuko na ako noong makareceive ako ng 20 time rejections, siguradong hindi ko nakuha ang trabahong iyon. Plant, plant, plant and harvest.
Ang buhay ay hindi isang subok lang tapos gusto mo sa iyo na agad. Dahil hindi rin basta-basta ibibigay sa’yo kapag may mas magandang bagay na nakalaan sa’yo. Halimbawa, nag-apply ka sa 5 companies, 2 companies ang maghahire sa’yo kaya nalilito ka na. Bigla na lang hindi na nagparamdam ang isang company (medyo nalungkot ka pa dahil nabawasan ang options mo)kaya ang nangyari napunta ka sa isang company. Isang araw, nabalitaan mo na lang na iyong isang company na hindi nagpaparamdam sa’yo ay magliliquidate na pala. Nagegets niyo ba? May nakalaan para sa ating lahat at kailangan lang nating magtiwala sa Kanya. Dapat lang na ginagawa rin natin ang ating part. Gusto mo ng trabaho pero hindi ka naman nag-apply, kahit mahal ka ni Lord hindi mahuhulog galing sa langit ang trabaho. Kailangang may actions from us.
Marami pa akong gustong sabihin pero kailangang matulog na. Sa susunod na lang ulit.
Oo nga pala, malapit na ang pasukan. Mga students dyan lalo na iyong may opportunity na makapag-aral, nasa planting season kayo ngayon at harvesting time will come kapag nakagraduate na kayo. Isa sa mga tinitignan kapag inexperienced applicant ay ang grades. Kapag 3 ka, palagy mo makakakuha ka kaya ng pang 2.5 na work. E di lalo na kapag 5. Kung ano ang itinanim, siya mo ring aanihin. Maging maingat! Study hard and “serious” lovelife later. hehehe. Oks lang naman na may lovelife basta may limitations lang. Ayun lang.
God bless everyone!