Keep Going
Tagalog blog
reposting — bagay sa mga estudyanteng nagthethesis at nagsusunog ng mga kilay.
<p>”I say to you, rise, take up your pallet and go home.” Mk.</p><p>2:11</p>
Hello mga kablog! Naalaala niyo ba iyong sinabi kong “laptop-centered” sa isang blog? Aba, nawalan nga kami ng connection simula pa Sunday hanggang ngayon. Medyo naapektuhan ako kasi nga talagang nakadepend na ang gabi ko roon pagkatapos naming maghapunan. Mabuti na rin kasi napatunayan kong I will survive kahit walang laptop at naibalik ko pa iyong dati kong ginagawa gaya ng pagbabasa ng libro at pag-aaral ng chess. Yikes, parang nagrereview ulit ng Board. Kakaibang mga habits pero dyan tayo magpofocus this week. Sa ngayon, nagbabasa ako ang book ni Richard Carlson called Don’t Worry, Make Money. Maganda iyong book, basahin niyo rin. Tapos, one day nakabasa rin ako ng blog sa http://www.positivityblog.com/ tungkol sa low point.
Dumarating daw sa buhay ng tao ang low point at ang pag-attack sa point na iyon nagkakaiba ang Average at Successful Individual. Ibibigay kong halimbawa ang sarili ko. Alam niyo namang hilig ko ang chess at may pangarap akong gustong maabot. Para matupad iyon kailangan kong mag-exert ng extraordinary effort gaya ng palaging paglalaro at regular na pag-aaral para mas lalo pang matuto. Regular ko dapat na ginagawa iyon, nasa mood o wala sa mood; mainit o malamig; maaraw o bumabagyo; tama ang timpla o inaantok; at kung anu-ano pa. Ayun nga dumating ako sa point na parang tinatamad na ako. Mas mabuti pa noong hindi ako nagbabasa ng book, nakakapanalo ako pero kung kalian ako naging mas seryoso puro naman panalo — ang kalaban. Kapag natatalo ako, paconsole sa sarili na oks lang kung hindi nananalo, ang mahalaga ay natututo ako sa mga mistakes ko. Pero nong huli kong laro, nasabi ko kay Kennedy na “I’m tired of learning lessons.” Haaay. Kung gusto kong manatiling average chess player, hahayaan kong makasagabal ang moods ko para matuto pa lalo, gagamitin kong excuses para makaiwas sa pagbabasa ng books, pero kung gusto ko namang matupad ang pangarap ko, babangon akong muli. Susuungin ko ang lahat ng hadlang gaya ng ginawa ng paralytic na sa kabila ng dami ng tao gumawa siya ng paraan para makalapit kay Hesus. Natuwa tuloy sa kanya si Hesus kaya napagaling sya. “I say to you, rise, take up your pallet and go home.” Correct! Sa lahat ng pagsisikap at pagtitiyaga natin palaging may payback. If you are exerting 50% effort, 50% will get back to you. If you are exerting 101%, aapaw din ang magiging return sa iyo. Bow.
Kung anuman ang objective mo gaya ng pagiging dean’s lister, pagkakaroon ng trabaho abroad, pagiging effective leader, pagiging magaling na teacher, pagiging active sa PYM, pagiging employee of the month at kung anu-ano pang pangarap sa buhay tandaan mong darating at darating ang low point habang naglalakbay ka patungo sa destination mo pero nasa iyong mga kamay kung magpapadala ka sa pagsubok o babangon kang muli.
Kung ang laptop-centered ay binanggit ko sa blog tapos nangyari. I will mention din ditto na lahat ng makakabasa ng blog na ito ay pagpalain pa lalo. Lahat ng nag-aalalang mwalan ng trabaho at lahat ng naghahanap ng trabaho ay makasumpong ng best job para sa kanila. Help us
God. Sama-sama tayong manalangin na gaya ng paralytic ibangon din tayo ni Hesus.
God bless you all.
P.S.
Happy Birthday AJ, Welcome back Nanay and Memey at Happy Anniversary Tatay.