Ikaanim na Wika: Naganap Na!
Naganap na sa Tagalog.
Sa wikang griyego Tetelestai.
Sa English naman ay Mission Accomplished!
Magandang hapon po sa inyong lahat. Ako po si Shiela Cancino. Lumaki sa Barangay Capri. Batang PYM. Founder ng 4S Scholarship Foundation.
Ang daming insights ng wikang Naganap Na.
Dahil uso ang Korean drama at teleserye, ang NAGANAP na para sa akin ay:
Ang pelikula ay may simula, gitna at katapusan. Maraming episodes — episodes na nakakatuwa, nakakagalit at nakakalungkot.
Sa pagkatawaang tao ni Hesus, artista ang role Niya at si God the father naman ang Scriptwriter at Director.
Sa episode na nakapako Sya sa krus, hindi maganda sa pakiramdam. Nakakalungkot at Nakakagalit.
Pero alam na nating lahat ang story na ‘to –
Kaya Siya nagkatawang tao ay para iligtas tayong lahat sa kasalanan.
Sa sobrang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat, ipinadala Niya ang Kanyang anak.
Mamamatay si Hesus pero ang ending ay mabubuhay Syang magmuli.
Sa episode na ‘to, natapos ni Lord ang mission Nya kaya nga sabi nya kay God, Naganap Na!
Hindi mo mawawala sa mga tao non ang kaba, takot at lungkot kasi hindi pa naman nila alam ang mangyayari.
Kung puwede lang sabihin sa kanila na “Huwag kayong panghinaan ng loob kasi nasa script na mamamatay Sya pero nasa script din na mabubuhay Siya.”
Naaalala ko tuloy nong bago pa ung CLOY. Crash Landing On You. Nabaril si Yoon Se-Ri.
Nag-message agad si May Cancino Antioquia sa viber group namin. “Nanay Precy Cancino, nabaril si Seri!”
During that time, maghihintay ka pa ng 1 week bago ipalabas ung next episode.
Sa bawat araw na nagdaan, kitang-kita ko sa mga mata ni Nanay ang kaba, takot at lungkot.
Isang araw sabi pa nga nya, “Shel, ano kayang mangyayari kay Seri?”
Sa mga natapos na ang Crash Landing On You, alam nating nabuhay sya at ang ganda ng ending! NAGANAP NA!
How I wish na alam ko ang buong script ng buhay ko.
Syempre kapag alam mo ang script, kahit ang panget ng episodes iba ung feeling.
Walang worries kasi alam mo naman ung magiging ending.
Kaso hindi naman ako ang Scriptwriter.
Kagaya ni Hesus na nakapako sa krus, ang episode ng buhay ko ngayon nakakakaba, nakakatakot… malungkot,
Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho dito sa Singapore, sa Hong Kong at sa iba’t-ibang bansa pero dahil sa COVID-19, mas mahirap dahil freeze ang hiring ng mga companies.
Ito ung panahon na sana nakakatulong ako financially sa family, sa mga kamag-anak ko at sa mga kabarangay pero nakapako ang mga kamay ko. Wala akong trabaho.
Ni hindi ko nga alam kung paano ko pagkakasyahin ang budget hanggang sa makahanap ulit ako ng trabaho.
Sa bawat araw ay kinakabahan ako, natatakot at nalulungkot.
Minsan pa nga maiiyak na lang ako tapos tinatanong ko si God.
Ano na Lord? Ano bang gusto mong mangyari sa buhay ko? Kailan mo ba tatapusin ang episode na ‘to?
Sa pagninilay ko ngayong holy week, naalalala ko ang ilang mga episodes ng buhay ko.
1. Isang episode ay nong HS ako.
Top 3 ako sa batch namin sa Novaliches High School.
Halos lahat ng nasa top ay nakapasa sa UP Diliman pero ako hindi.
Lungkot na lungkot ako non at I questioned God, “Bakit hindi mo ako ipinasa sa UP Nakakahiya kaya! Anong sasabihin ng mga classmates ko at ng mga taong nakapaligid sa akin?”
Mga kapatid ko kay Kristo, ang hindi ko pagpasa sa UP Diliman ang nagdala sa akin sa Colegio de San Juan de Letran sa kursong B.S. Accountancy.
Kalaunan ay nagging Certified Public Accountant ako at na-offeran ng trabaho sa Bermuda. Ngayon ay 12 years ng OFW. Naganap Na!
2. Isa pang episode ay nong College ako.
Dahil galing ako sa mahirap na family at community, nahirapan akong mag-adjust sa mga mayayaman kong classmates sa Letran.
Ang baba ng tingin ko sa sarili ko.
Umabot pa nga na gusto kong masagasaan ng truck para matapos na ang buhay ko.
Alam niyo ba na sa mga panahong iyon, mas napalapit ako kay Lord? Araw-araw akong nagsisimba at nagbabasa ng bible.
Hindi ko makikilala nang lubos ang Panginoon at maiintinidhan ang salita Niya kung hindi ko pinagdaanan ang episode na un ng buhay ko.
Natapos ko ang role ko sa episode na un successfully. Naganap Na!
Kagaya rin ba kitang kini-question ang Panginoon sa panahon ng nakakalungkot na episodes?
Balikan natin ang experiences natin na akala natin ay hindi maganda but eventually mas napabuti pa ang buhay natin.
— —
Brothers and sisters in Christ, makapako man ako sa krus ngayon, sa tulong ng Holy Spirit at grasya ng Panginoon iba na ang pananaw ko.
Naganap na para sa akin ay artista lang ako sa pelikula ni Lord.
Si Lord ang Scriptwriter at Director ng buhay ko.
Siya ang nagbigay ng role ko at alam Niya ang ending.
Ang gagawin ko lang ay mag-stick sa role… sa misyong iniatang Nya sa akin.
Naniniwala ako na darating ang araw at matatapos din ang episode na ‘to at sasabihin ko sa Kanya, “Lord, Naganap Na!”