Bakasyon sa Banga BLOG

Shiela Cancino
2 min readMar 6, 2021

--

Tagalog Blog

Sa Wednesday, ang aking isa pang pamilya ay pupunta sa Hong Kong. Pangarap namin ‘to sa mga kamag-anak namin na mailabas din nila ang mga kapamilya nila. Congrats Jennifer Rae Manibo at congrats din sa recent promotion mo, Manager Bok!

Ilang paunawa lang at ilang kuwento na rin paano ba nagsimula ang yearly reunion ng Pamilya Z.

1) Hapag-kainan

Sobrang lungkot ko nong napunta ako sa Bermuda. Ang layu-layo ng family ko sa ‘kin. Salamat sa Diyos pinagkalooban niya ako ng family sa Bermuda (Mon-alon family at friends). Sabay-sabay kami palaging kumakain at ang saya-saya ng kuwentuhan. I looked back in my life when I was still in the Philippines and I couldn’t recall a time na may ganito kaming moments.

Kaya, sabi ko pagbalik ko sa Pilipinas I’ll create opportunities na magkakasama-sama kami sa hapag at magkukuwentuhan.

2) Knowing them better

Dahil occupied tayo ng daily activities natin at karaniwan focused tayo sa mga minor things na we think they are major, nababalewala natin mga kapamilya natin. Pag-uwi natin pagod na pagod na at kung may pagkakataon mang makakuwentuhan sila, malungkot pero pininipili pa nating silipin ang notifications sa Facebook.

Ang bakasyon kasama ang pamiya ay pagkakataon para makilala silang maigi. You’ll be amazed of what you’ll discover about them! Pag kasama ko sila, you’ll notice limited ang FBook postings ko

3) Just a tool

Ang pagpunta sa magagandang lugar sa Pilipinas man o kahit saan ay isa lang paraan para ma-achieve mo ang underlying reason mo. Kung hindi mo alam ang underlying reason mo bakit nilalabas mo ang family mo, magkulong ka sa banyo at pakinggan ‘to https://www.youtube.com/watch?v=DRgl-2EOyTI. Huwag kang lalabas hanggat walang tumutulang luha sa mga mata mo.

Ako, gusto kong maging tighten ang relationship ng family namin. Gusto kong lumaki ang mga magpipinsan na may pagmamahalan at pagsusuportahan gaya ng pagmamahalan at pagsusuportahan naming magkakapatid.

Secondary na lang ung gusto ko sila ung kasama ko kapag makakaexperience ako ng kakaiba.

Yun lang muna! See you soon Manibo family Jennifer Rae Manibo Catcat Mañibo Pido Tiyo Rey Abel Manibo at Tiya Cynthia Manibo! We’ll miss you Jessa Conmigo.

--

--

Shiela Cancino
Shiela Cancino

Written by Shiela Cancino

I help Asian Women advance in their careers without sacrificing “me time” all the time through confidence-building workshops & confidence coaching.

No responses yet