4S Share a Secret Spread Success — random blog Tagalog

Shiela Cancino
2 min readJul 4, 2021

Inday’s blog

Mayroong akong 2 bank accounts sa HK at 1 sa Pilipinas. At, sa HK, may ilang cards na ginagamit.

Balances:

Ang mga savings at checking — 3 digits (less than 999). Equivalent sa peso ay mga Php5,000.

Ang mga credit cards — 4 digits (more than 999). Equivalent ay more than Php5,000.

Di naman ako hinahabol ng mga creditor kasi nagbabayad naman ako kapag due na.

celebrating life.

Gayunpaman, ang aking pakiramdam ay masaya, feeling mayaman. Kasi alam kong sa aking saktong pamumuhay ang ilang kabataang kapos ay may kursong matatapos.

Sabi nga ng isang kaibigay, “Shel, alam mo kung wala kang foundation na sinusuportahan, nabili mo na lahat ng gusto mo gaya ng Apple ung malaking-malaki. Diba?”

Sabi ko naman, “Alam mo kung wala akong sinusuportahang foundation wala ako sa ibang bansa. Mas gusto kong makasama kapamilya ko magtiis sa kanin at asin kaysa nasa ibang bansa, mag-isang naglalaba at mamaya mamamalantsa. Haaay! Sige na, magsasampay muna ako.” Toink!

Join us and experience the joy of giving. Year 5 na. smile emoticonsmile emoticon smile emoticon

pero, seriously… sa isang batang susuportahan mo sa kolehiyo, 4 years ka lang mag-sa-suffer, kapag nakapagtapos sya, kikita sya ng maayos pansuporta sa family niya.

Kung hindi sya tapos sa pag-aaral, kung magtatrabaho sya sa factory, sasahod sya ng minimum o below minimum at paguran super.

Over time, ang hindi nakapag-aral, may apo na nasa factory pa rin. At, sila ung maraming sanga-sanga (maraming anak, nag-asawa ng maaga mga anak pati mga apo.)

Pero, ung nakapagtapos ng pag-aaral, magsisimula sa minimum yan pero kalaunan mahahanap niya strengths niya, magiging VP ng isang company. Mag-aasawa rin syempre pero alam ung family planning. Mapapag-aral mga anak at mga kaapu-apuhan.

Tanong: Kung hindi mo kamag-anak pinag-aral mo, anong benefits sa u?

Sagot: Di mo alam ung kaapu-apuhan iyon ang mapapangasawa ng kaapu-apuhan mo. O ha. Di pa nalalabas sa mundo apo mo, naihanda mo na ang future niya.

Ang pagtulong sa hindi kaanu-ano ay parang tubig na dumadaloy. Hindi man bumalik sau siguradong makakarating sa maraming tao.

To God be the glory and praise.

--

--

Shiela Cancino

I help Asian Women advance in their careers without sacrificing “me time” all the time through confidence-building workshops & confidence coaching.