33 48 72

Shiela Cancino
1 min readApr 27, 2021

--

sa paglakakad sa Northpoint isang gabi may bulag na may tungkod.

weird un! para kasi syang nag-oopisina sa suot nya or may appt lang kaya maayos ang damit. pero bakit wala man lang syang kasama?

anyhow, eto ang catch. nabunggo niya ako kasi palagi akong nagmamadali diba. tumingin ako sa kanya tapos gamit lang nya ung tungkod kinakapa ung daan.

malapit na sa kalsada so ginuide ko sya sa unang stop.

Problema INTSIK. Di ko magets sinasabi. Tinapik ko ngaun ung isang naghihintay ng bus, “can you please help him?”

Ung babae nag-intsik at tumuro na sunod na stop. So lakad ulit kami.

Sunod na stop, pasakay na ung mga tao! Tinapik ko ung bata, “can you please help him?”

Sabi nong bata, “sorry I can’t speak Chinese too.”

So, umalis na rin ako at sinabi ko kay Manong, “okay la ah.”

Di muna talaga ako umalis, gumilid lang ako.

Mya-mya, naglabas na si Manong ng papel na nakalagy ung bus no! 33, 48, 72! (Tayaan mo sa lotto).

Ayun naman pala e! Lumapit ulit ako sa kanya at dinala ko sya sa tamang bus stop.

Gumilid ulit ako. Gusto kong makitang nakasakay na talaga siya at paano siya tutulungan ng iba.

Dumating ung bus no 33. Kitang-kita kong pano syang tinulungan ng iba.

Masaya sa pakiramdam. Try mo.

--

--

Shiela Cancino
Shiela Cancino

Written by Shiela Cancino

I help Asian Women advance in their careers without sacrificing “me time” all the time through confidence-building workshops & confidence coaching.

No responses yet